(I apologize to some friends because I am writing this blog in my native language. I just feel that I have to do this. My blogs from today until Sunday, Mother’s Day, will all be about the single, most lasting influence in my life—my mother. Thank you very much for your patience.)
Dahil malapit na ang Araw ng mga Ina, sisikapin kong sumulat tungkol kay Nanay simula sa araw na ito hanggang sa Linggo. Nasa malayong probinsya si Nanay. Hindi siya marunong gumamit ng computer kaya’t lalong hindi siya marunong mag-internet. Pero hindi na bale. Hindi man niya mabasa ang mga isusulat ko, alam ko naman na alam niya kung gaano ko siya kamahal.