Si Nanay ang una kong kaibigan at kalaro. Hindi kami mayaman kaya halos lahat ng laruan ko noon ay gawa lang niya. Maghahanap lang siya ng isang bagay sa bahay na hindi na ginagamit at presto, may bagong laruan na ako. Sa paraang iyon ay tinuruan niya akong mag-recycle. Natutuhan kong pakinabangan ang ilang bagay na patapon ngunit maaari pang gamitin. Higit sa lahat, natuto akong magpahalaga sa kalikasan.
Scrabble ang unang laruan na natatandaan kong binili ni Nanay. Pinabili pa yata iyon ni Nanay sa ibang bayan. Sa isang mahirap na komunidad tulad ng sa amin, kami lang yata ang may scrabble. Gabi-gabi, kasama si Tatay, tinuturuan kaming magkakapatid ni Nanay na mag-scrabble. Sa panahong iyon, hindi pa nakakarating sa aming bayan ang mga linya ng kuryente kaya’t wala rin kaming telebisyon. Tanging ang paglalaro ng scrabble ang naging madalas na libangan naming mag-anak bago matulog. Tanging lamparang de-gas ang gamit naming ilaw.
Sa maniwala kayo at sa hindi, kay Nanay ko rin natutunang maglaro ng piko. Hinayaan niya kaming magkakapatid na maglaro sa aming bakuran at madalas ang mga laro namin ay itinuro niya. Kalaro namin si Nanay sa bahay-bahayan, lutu-lutuan, tinda-tindahan at marami pang iba. Natatandaan ko pa nga, iginawa niya ako noon ng set ng mga kaldero at kawali mula sa luwad. Hinulma niya ang pulang luwad na nakuha niya malapit sa aming bakuran at saka pinatuyo sa araw.
Minsan naman, nakita kong gumugupit si Nanay ng gomang malambot. Napansin kong interior ng lumang gulong ng bisikleta ng tatay ko ang ginugupit niya. Ginupit niya ito nang pahaba na parang sa goma ng tirador. Pagkatapos, pinagdugtung-dugtong niya ang mga ito at ibinigay sa akin. Iyon ang aking unang Chinese garter.
Madalas akong makakita noon ng mga litrato ng laruan sa mga papel na pambalot ng tuyo at tinapa na binibili ko sa tindahan. Naka-i-engganyo silang laruin. Magaganda sila at mukhang mamahalin. Pero naisip ko, hindi ko pa rin ipagpapalit ang mga laruang gawa ni Nanay para sa akin.
moncler down jackets kids moncler vest kids moncler coat women
Posted by moncler down jackets kids at November 1, 2011, 10:03 am
louis vuitton luggage cheap louis vuitton luggage louis vuitton luggage sale louis vuitton luggage set
Posted by louis vuitton totes at November 1, 2011, 9:56 am