I took this picture from Manila Bulletin's Sept. 13 issue. The caption says "Some 250 detainees in the Cotabato City jail voluntarily had their heads shaved so they can donate their hair for the cleanup of the oil spill in Guimaras sea in the Visayas. Inspector Panga Arab, jailwarden, said the unity displayed by the detainees, be they Muslims or Christians, indicates the real spirit of the Filipinos in time of crisis."
Much has been said about the Filipino spirit of unity in time of crisis. While I am proud of it, hindi ko pa rin magawang maging masaya para dito. Minsan kasi iniisip ko rin kung bakit sa tuwing may krisis lang nabibigyang-diin ang "unity" na iyan. Kung bakit sa tuwing may krisis lang tayo magaling magpakita ng pakikiisa. Kung walang krisis, nagkakanya-kanya. Mas gusto ba natin na may krisis muna bago magkaisang kumilos? Siguro nga.
Kaya siguro madalas dumarating ang sunud-sunod na krisis sa atin: nagmamarakulyo ang Mayon Volcano, madalas bumabaha sa mga lugar na pinakukunan ng kabuhayan katulad ng sa Central Luzon na rice granary ng bansa, binibisita tayo madalas ng bagyo, nagkakaroon ng landslide. Para madalas tayong magkaisa. Hindi maganda.
Salamat sa pagsilip mo sa blog ko, Ashen, at sa pag-iwan ng iyong komento. Wala namang dapat ihingi ng tawad dahil ikaw ay nagsasabi lang ng iyong opinyon, kagaya ko. Iginagalang ko ang iyong pananaw. Ikinalulugod kong naniniwala ka rin sa demokratikong proseso. Muli, maraming salamat.
Posted by beatriz at September 20, 2006, 6:23 pm
~ bloghopping
Sang-ayon po ako sa sinabi niyo.
Pag may krisis na nga lang talaga nagkakaisa ang mga pinoy, pero mabuti rin naman yun at some point hindi ba?
Kung papano, nagkakaisa pa rin. Wala rin namang gaanong silbi kung magkakaisa tayo nang basta-basta. Kung lagi na lang ganun, nagiging plain at hindi na espesyal ang mga pangyayari.
Hindi naman sa sa tingin ko nga na krisis lang ang may kapangyarihang magpakaisa sa mga pinoy. Siguro lang ganun kasi dun napupukaw ang damdamin nila sa kahalagahan ng mundo at ng mga tao rito.
Pro-independence rin kasi ako, kaya ayoko lagi na lang na magkaisa ang mga tao. Pakiramdam ko wala na silang sarili nilang personalidad.
Patawad kung may ilang konsepto mong kumokontra ako. Pero sinasabi ko lang po ang mga nasa isip ko sa sandaling ito. =)
Posted by Ashen at September 19, 2006, 9:33 pm