titingnan na lang kita sa malayo,
mamahalin nang lihim,
iisipin na hindi matuwid
ang ika'y maging akin.
sisilipin na lang kita,
sa t'wing madadaanan ka,
at ibuburda ka
sa dahon ng alaala.
bubuksan ko na lang
ang pinto ng aking haraya
para sa 'yo,
para sa masasayang alaala mo.
sapagkat hindi na,
hindi na talaga,
hinding-hindi na kita
maaaring makasama pa.
patawad, Starbucks,
kung ako ay lalayo,
dahil bawal ang caffeine mo
sa nang-iinis na migraine ko.
(uuuuy, aminiiiin! naintriga ka kung sino si S 'no?
pasensya na, walang mai-post eh. kaya heto at naglalaro ng keyboard at nakagawa ng walang kawenta-wentang tula hehehe)