(Masyado akong napagod mag-shopping (read: Divisoria) yesterday so wala ng power ang beauty ko na mag-isip ng kung anu-anong mas seryosong bagay. Kaya heto at pagtiyagaan mo na ang post na ito. For fun lang, try mong basahin. Baka meron kang maalalang nakatutuwa sa childhood days mo
)
Over 25 years old ka na kung…
1. nagkaroon ka ng atari, family computer or nes (sikat ka noon sa mga kapitbahay mo for sure
2. nagkaroon ka ng damit na ang tatak ay U.S.E.D., Boy London, Esprit, Blowing Bubbles
3. naging addict ka sa Rainbow Brite, Carebears, My Little Pony, Thundercats, Bioman, Voltes V, Mazinger Z, Daimos, He-Man at iba pang cartoons na hindi pa translated sa Filipino
4. natuto kang mag-Wordstar at nakahawak ka talaga ng 5.25 na floppy disk (susme, ang hirap kayang kabisaduhin ng Wordstar commands! Ang dami-dami pa naman
)
5. gumamit ka ng Aquanet para pataasin ang bangs mo (ito, hindi ko ginawa, promise!)
6. nagkaroon ka ng blouse na may padding (kung babae ka) at nagkaroon ka ng sapatos na Mighty Kid (kung lalake ka)
7. nangolekta ka ng paper stationeries at mahilig kang magpapirma ng slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng crush mo
8. nakilala mo si Manang Bola, ang Sitsiritsit Girls at sina Luning-ning at Luging-ging (1989 ko lang sila nakilala, nang sumampa ang beauty ko sa Maynila)
9. nakabisado mo ang theme song ng Batibot (…tayo nang magpunta, tuklasin sa Batibot ang tuwa, ang saya. doon sa Batibot tayo na, tayo na….hehehe bigla akong napakanta)
10. alam mo ang ibig sabihin ng Time Space Warp at alam mo ang Time Space Warp chant (Time Space Warp ngayon din!)
11. naging idol mo si McGyver at nanood ka ng Perfect Strangers
12. nakatawag ka na sa pay phone na hinuhulugan ng 3 bentesingko lang
13. hinangad mong hanapin kung saan ang Goya Fun Factory
14. inabutan mo yung singko sentimos na ang shape ay bulaklak at yung diyes sentimos na square
15. kabisado mo ang mga songs ni Andrew E. nung nagsisimula pa lang siya sa industriya, tulad ng "Humanap Ka ng Pangit"
16. nahilig kang bumili dati ng Tarzan, Texas, at Bazooka (Bazooka ang gusto ko kasi may komiks hehehe)
17. natakot ka noon na dumating ang 1999 dahil sabi nila ay magugunaw na ang mundo
18. nagpilipit ka ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na dulo ng isang tingting
19. natutunan mo ang larong patintero, saksak puso, langit-lupa at teleber-teleber (athlete yata ako ng patintero sa aking sinilangang probinsya. kina-career ko dati kasi akala ko may patintero rin sa Olympics kaya nag-ambisyon ako hehehehe)
20. naranasan mong mag-rent ng komiks sa komiks stand for only 25 cents a day (aminado ako!)
May iba ka pa bang naisip? Dagdagan mo na lang