Ate Mylene, my cousin who has been living in the US since 1988, is in Manila. Siyempre, pagdating niya ay kumustahan at walang humpay na kwentuhan. At tulad ng ibang mga Pilipinong nagbabalikbayan, mawawala ba naman ang mga balikbayan box sa eksena? Naalala ko tuloy yung kumakalat sa email na sulat ni Bebeng.
Si Bebeng ay isang registered nurse sa California. Pinapunta niya ang nanay niya doon para magpagamot. Sa kasamaang palad, namatay ang kanyang ina. Dahil mahal ang pamasahe papuntang Pilipinas, hindi na nakasamang umuwi si Bebeng sa labi ng ina.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya ni Bebeng na nakadikit ang mukha ng ina sa ataul nito. Nang buksan nila ang ataul para ayusin ang bangkay ay may nakita silang sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa.
Narito ang nilalaman ng sulat ni Bebeng sa kanyang pamilya: (Kuta, Reyna, Chuva, Flip, Phil, Barbeross at Kitty, makaka-relate siguro kayo dito hehehehe. Kung nabasa na ninyo ito dati, pagtiyagaan niyo na lang basahin uli hehehe)
Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod…
Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang Adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa may tagiliran ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.
Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni nanay, Japanese version ng pokemon trading cards at stickers. Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
Suot din ni nanay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.
Suot-suot din ni nanay ang isang dosenang wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak) na gustong-gusto ni Tiya Iska. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin mo tatay, ay suot-suot din ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, 'tay.
May isinisik akong zip-loc sa bibig ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.
Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay na bakla na may-ari ng parlor sa kanto.
Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng nanay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si nanay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo. Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.
Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Bebeng
Ang kwento ni Bebeng at ang kanyang sulat ay kathang-isip lamang. Some may find it funny, others may find it offensive. Pero meron tayong makikitang katotohanan dito tungkol sa kultura ng maraming Pilipino.
hay kuta, kahit hindi po ako OFW ay nakaka-relate po ako. i have cousins who are also working abroad at ganun din ang sentimyemto nila sa buhay. i know how hard it is to live and work away from the people you love. naku, sinabi mo pa. akala kasi ng mga umuutang ay pinupulot mo lang pera dyan. isa pa, ang tanging iniisip nila is that you’re earning dollars. ang hindi nila naiisip is that you are also spending dollars to provide your needs there. syempre may mga ginagastusan din naman ang pamilya mo dyan sa US of Ey ‘no.
Posted by bea at January 23, 2007, 9:17 amofftopic: can’t find a tagboard so i decided to contact you from here. just want to offer you a link exchange. ok lang ba? =)
Posted by ituloy angsulong at January 23, 2007, 4:39 pmsorry marhgil, i had to remove my tagboard a few months ago because i was bombarded with spams. it’s ok if u link me up. it wouldn’t be a link exchange though because i have yet to put up my links =). but i’ll include you once my list is up. thanks for stopping by.
Posted by bea at January 23, 2007, 5:26 pmi read this story before but the version you put here is more updated with the latest in fashion…
it still made me laugh… ![]()
nakakarelate din ako, my sis and i used to send a dhl jumbo box from thailand, and we had to squeeze in everything from clothes to stuffed toys to noodles to audio recorder, etc. of course, the list of the items inside with the corresponding recipient is included. hehe…
3 years ago when i was in california my cousin told me this orally
i just could not stop laughing but after that I could see the reality of it since i know the meaning of balikbayan boxes
Posted by sha at January 25, 2007, 6:51 pmhehehe CAREY, parang bag ni santa ang ipinadala ninyo kung ganun hehehe. sabi mo kasi may list.
Posted by bea at January 26, 2007, 12:54 pmhello, ate sha! is that really you?! hehehe, pasensya na. i was just surprised to see you’ve commented. i remember having been to your very interesting blog about food and travel a few months ago. salamat po sa pagdalaw. yeah, balikbayan boxes really mean a lot to us, Filipinos.
Posted by bea at January 29, 2007, 6:21 pmbuti na lang sa pinas nabawian ang nanay ko ng hininga *sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa*..dahil kungdi..malamang mala bebeng din ako,sa mahal ng pa ship ng bankay..no talagang malalagyan ko din ng sangkatutak na karne norte yan lol…
Posted by diwatangbyaning at February 3, 2007, 12:22 pmPeople in every country get the mortgage loans from various banks, just because that is simple.
Posted by VickieAYERS at September 1, 2011, 7:01 am
Hehehehe, ano ngayon matitirang suot ni nanay piktapos nilang hubaran?
Nabasa ko na similar version nito noon pero kakatuwa mabasa ulit…
HAyyy, kung alam mo lang ang hirap ng OFW…ang mental torture ng andaming umaasa sa iyo (pang aral, puhunan sa negosyo, pantubos ng mga naisanla, etc), ang guilt na kumain ng masarap samantalang ang pamilya sa Pinas lang ulam…ang pagshashaping at pag gogrocery mong kalahati pasok sa ref at yung kalahati drecho sa balikbayan box… tapos pag inutangan ka’t ala kang maibigay eh ikaw pa maramot or tanga ka dahil sa tagal mo na abroad la ka pa ring ipon o pundar, waaaahhhhh!!!
Posted by Kutang Bato at January 23, 2007, 2:22 am