araw-araw ay tumutulay ako—
minsan, sa gahiblang pag-asa;
minsan naman ay sa makapal na tali
ng pagbabakasakali
kapag ang tuhod ay hapo na
sa maghapong pagtulay,
tinutukuran ko ito
ng nilubid kong mga alaala mo
wari ay sapat na iyon
upang dahan-dahan ay marating ko ang dako pa roon
kung saan matatagpuan kong muli
ang Pag-asa na minsan ay maramot ngumiti.
bukas, sa panibagong pakikipagsapalaran ko
sana ay samahan uli ako ng mga alaala mo.
(ang abang tula na ito ay para sa 'yo, prinsipe na mahal ng lamok)
heheh thanks, tina!
Posted by bea at February 6, 2007, 9:18 ampara ba yan kay J o kay C? he he he charing…azan ba ang mga sponsors mo? hindi ko makita??? tinago mo ba? yan ang bago kong trip ngayon mag click ng sponsors lol….
Posted by diwatangbyaning at February 7, 2007, 4:40 amDIWA!!!!!!! you’re here again hehehe. muchas gracias
. para naman yan kay P az in prinsipe hehehe. ayos na ayos ang bago mong trip na yan hehehe. nasa mga posts ko po ang mga sponsors. unlike dun kay reyna na nasa up, down, left, right hehehe. if you noticed, meron mga words or phrases sa ilang previous posts ko na naka-highlight, like yung Washington DC plastic surgery, dog boarding, Los Angeles rhinoplasty at marami pa. if you click those words or phrases, u will be directed to the websites of the sponsors. that’s their way of promoting their products and services. so yeah you’re right, tinatago ko ang mga sponsors ko sa loob ng mga posts ko hehehe
aba aba muka yata ang dami mong boyps jan….
naman kaya naman palah! now i know! o sya mag ki-klik pa ako….woosh he he he–*bored ang lola mo*(hindi ba halata?)
Posted by diwatangbyaning at February 7, 2007, 10:07 ambakit ka bored? wala ka bang kliyente sa lipat bahay? o kaya ay wala bang nagpapalinis ng flur dyan? o nagpapapintura ng wall ng building?
Posted by bea at February 7, 2007, 10:26 amtita hindi pa ako full time jan….
doon pa din ako sa aking stuped *chika lang* day time job ko he he he–eh as in hindi ako bc.,akshually bc kung bc bato lang ako talaga kaya naghahanap ng magagawa
..naman mga blog nyo kasi tagal nyo magsisulat ayan naiinip na tuloy ako hehehe.
..gusto ko na ngang email si HappySlip eh at kulitin kung kelannnnn ulit sya mag vi-video lol…
parang ang hirap naman ng blog mo..as in…talagang kelangan mong umisep ng chika para maisinget yang mga sponsors mo!–o ano kumita ka ba?i ki-ni-lick ko at ang aking mga klicker elves ang spon-sores mo ha!!!!!=P
Posted by diwatangbyaning at February 7, 2007, 1:26 pmhaaaay, ang sarap naman itula non!… kasi naman bakit ba maaga pumanaw si Bert “tawa” Marcelo eh…
Posted by hab at February 7, 2007, 2:05 pmhehehe DIWA, sabi ko nga kau chuva, medyo extra challenge iyong pag-earn ko dito hehehe. kasi nga kelangang umisip ng paraan paano isusulat ang gusto ko tapos isisingit ang mga sponsors na ‘yan. ganun talaga eh, mahirap kumita ng pera hehehe.
o, why not write happy slip? para mawala ang boredom mo. baka tumalbog tayong lahat sa kapraningan niya hahaha. ba di kayanin ng powers natin hehehe.
pasensya na sa bagal mag-post. busy yata lahat ng mga blogger diwatas hehehe
Posted by bea at February 7, 2007, 4:13 pmHAB, salamat sa pagdalaw. for a few minutes i was trying to see the connection of Bert Marcelo to my tula. pasensya na ha? sloooooow ang brain ko today eh hehehe. pero na-getz ko na. hayaan mo na, marami namang marunong tumula dyan. si balagtas,baka pwede. ay, dead na rin pala yun hehehe.
Posted by bea at February 7, 2007, 4:17 pm
waaaaaaaaaa lamok ?
haha pero nice sya haa.. hehe
Posted by tina at February 6, 2007, 7:13 am