Sa ngalan ng kaunting barya'y pasabit-sabit ka
Basahan sa kamay ay pansin kong marumi na
Hindi maiwasan na aking ikumpara
Sa damit mong punit-punit at basahan na tela
Sa munti mong bisig ako ay napako
Tila walang kisig, pulos balat, buto
Sa aking namasdan ay naitanong ko,
"Nasaan na kaya mga magulang mo?"
Sila kaya'y nasa isang pasugalan
O kaya naman ay sa bisyong inuman?
Pag-uwi mo kaya sa inyong tahanan
Sasalubungin ka't ikaw ay hahagkan?
Lansangan na itong iyong palaruan
Lansangan na nga rin nagisnang tahanan
Ang hinahamak mo ay kapanganiban
Bisig at buhay mo ang iyong puhunan
Ang inililimos sa iyong munting palad
Pagdating sa bahay nauubos agad
Nino? Hindi ba't ng amang sa bisyo ay sagad
At ng iyong inang sa sugalan babad?
Alam kaya nilang sa bawat akyat mo
Sa dyip, ang kapalit ay murang buhay mo?
Sinubok ba nilang iahon ka, iho,
Sa sadlak na palad na katatalian mo?
Bagay pa nga kayang tawaging magulang
Silang sa lakas mo ay nakikinabang?
Bagay bang ama't ina ang turing sa kanila
Silang sa tungkulin ay nangagpabaya?
Nasaan na silang dapat na magpala?
Nasaan na silang dapat kumalinga?
Pansin kaya nilang buto't balat ka na
At kulay papel na ang impis mong mukha?
Kung saan kukunin ang iyong pagkain
Ni hindi nga dapat na iyong isipin
Di ko maiwasan na aking tanungin
Katungkulan mo bang sarili'y buhayin?
Sa anghel na mukha'y nakakubli ang pighati
Sa pagbaba ay ngumiti, isang dasal aking sukli;
Sa dasal ko na tinuran kung ang langit ay mabingi
Ay para kong nilunggating ang uwak ay maging puti.
(Hindi po ako manunula, hindi po ako kawal ni Balagtas. Naisipan ko lang igawa ng simpleng tula ang bata batuta na umakyat sa sinasakyan kong dyip kanina at nagpunas ng sapatos ng mga pasahero kapalit ng kaunting barya.)
hayy… kaawa nga sila eh…
minsan ang dami mo tuloy tanong na akala mo walang sagot.. pero meron un..
galing mo mag tula.. inspired talaga sa bata.
ang iyong nakita, bahagi lang ng mukha
ng isang lipunang tila yata tulala
pilitin mang humakbang kahit bahagya
di pa rin makayanan, tanong ko’y bakit kaya?
wow. galing ng tula. anyway, kaya kapag napapadaan ako sa east ave or q ave or kahit anong ave sa qc, eh ayokong tumingin sa mga bata.. they repeatedly break my heart.. and they always make me remember na maswerte pa ko..
sa lipunang may sakit na bulag-bulagan
asa pang ang kahirapa’y masosolusyunan
hangga’t ang mga ganid ay may kinauupuan
asa pang kaunlara’y makakamtam
Makata ka pala.
I remember encountering those children when I was in Pinas. It broke my heart too.
Andito ako sa blog mo while chatting with you, LOL
Ingats!
I like it BEA!sayang hindi mababasa ng batang yun…balikan mo kaya at bigyan m sya ng kopya?
Posted by ros at March 21, 2007, 1:43 ambea bea.. kamusta ka na ba? talaga bang life is good?! hay.. do me a favor and have some jollibee anytime soon dahil sobrang miss ko na ang chicken joy!
it’s been a while since i’ve come by here, i have not been well.. on and off.. but.. that’s life! i have visited you though, even if i didn’t leave any trace..hehe
magaling ka sumulat ha sa totoo lang! well, what do you expect from an author!
i remember exactly something like this punasan happens to me when i was back there. the jeepney rides, i actually missed it even if it wasn’t as comfortable as our discovery..lol
take care now..
Posted by melanie west at March 23, 2007, 4:15 ami don’t know why but i cannot fill in the url slot so i can type in my website.. anyways, thought i’d let you know.. i really like that picture of you by the window.. very filipiniana ang setting although modern filipina looking ka because of the glasses..hehe
Posted by melanie west at March 23, 2007, 4:18 amAng ganda ng tula mo Bea.
Kawawa naman yong bata na nagpupunas ng sapatos. Hindi nga lang natin alam kung may bahay ba siyang uwian.
very nice poem………….really…….
gives heart-love to the needy people………..
take care there……….
Posted by vk at March 26, 2007, 4:54 amSa Batang Nagmasid sa Batang Nagpunas ng Sapatos Nya
Malamang sa hindi,
Tama’ng pagintindi;
Sa sitwasyong kinalalagyan,
Ng batang namataan.
Magulang ay nasaan,
Kung mayroon man;
At kung ulilang lubos,
Sino’ng nag-uutos.
Ano’ng magagawa,
Ng batang kawawa;
Gobyerno’y nasaan,
Walang kwenta rin naman!
Bawal ang magbigay,
Sindikato’y kumakaway;
DSWD ang dapat sa kanila,
Bakit di likumin sila?
Lahat ng nasa daan,
Alamin kung taga-saan;
Kung ulila’y kupkupin,
Ng gobyerno, arugain.
Pag-aralin ang bawa’t isa,
Ng matuto sa buhay nila;
Magkaron ng pangarap sila,
Bigyan ng magandang pag-asa.
Kung may magulang na walang kwenta,
Adiktus, sugalera’t at lasenggera?
Magkaroon dapat ng programa,
Libreng rehab ang kailangan nila.
At pag magaling na sila,
Bigyan ng pagkakataong kumita;
Turuan ng paggawa ng tinapa,
Peanut butter kaya o kutsinta?
O kaya nama’y turuang maghabi,
Pang-export o maski pananahi;
Dun sa TESDA bakit di pag-aralin,
Baka sa abroad pa, sila’y kailangain!
Sino ba ang may gusto
Sa sitwasyong ubod ng baho?
Kung bibigyan sila ng pagkakataon,
Palagay ko’y gusto nilang bumangon!
May kasabihan nga tayo,
Kung gusto mo’ng tumulong sa ibang tao,
Wag mo lang bigyan ng isda sa plato,
Kundi’y turuang mangisda para umasenso.
Mabalik tayo sa batang nakita mo,
Naghirap sya kahit papano;
Hindi lang nanlimos, tumanghod sa harap mo,
Pag ganyan, pinababayaan ko’t binibigyan ko.
ah inspiring po ung poem.
na appreciate ko po kasi mahilig din ako magsulat ng mga Filipino poems.
i’ll print it out po kasi ang ganda ng message eh.Sana i could write an inspiring poem din ang ma post sa net.haha.
he he he
para ka palang sinderella! ha ha ha
I posted my experience with them. When I was in Manila last Xmas 2006 and I was with my ahh… one of my… ahh you know. We got stuck on the traffic at the corner of Shaw and Edsa right there by Shangrila. One kid was knocking on my window and I could see the mother nearby with a small child. Naawa ang lola mo. “O” my ahh… kwan… ahh.. told me to ignore the kid. I couldn’t, she’ right there smack in my fact at talagang ginawang kudrado mukha para kaawaan sya. So, naawa naman lola mo, I gave her 2 pesos I think, I dunno, I don’t remember now. Many pesos siguro (nahiya, dinagdagan! he he he). She said thank you, but in a new york minute, there was another knock by the passenger side and before we knew it, we were swarmed with kids!!! OH MY GOSH! So, we must have given them about Php100+ in all but more kids came and so we drove away, but I felt guilty. “O” continued to pacify me that it was ok, that they were just there because their parents asked them to beg for money. I’m not ignaramus about these kids. of course, I lived in Manila for 8 long months and I’ve always given them something. In front of our internet cafe in Espana, I’d even buy lunch to a older beggar there, but it’s always this - they would come back with a battalion of them it’s insane!
I got a soft heart, kaya siguro balibalikwa buhay ko, as in andali kong maawa, but i just could not get any sense of comfort everytime i see these kids.
I’ve seen them sa mga jeep sa Espana. Takbo pa sila even when the jeep is running. Sobraaa! Di ko kayaaaang tingnan tong mga batang toooo!! What ever happened to us?!
Posted by reyna elena at March 17, 2007, 10:12 am