Yan na ang edad ng blog ko. My blog turned a year old last April 28. Happy birthday, dear blog! At dahil isang taon na ang blog ko, nag-celebrate ako. Kaya ako nawala noong weekend. Lumarga ako at dito nag-celebrate ng birthday ng blog ko……
What a way to celebrate my blog's birthday hahaha. Kidding lang, uy. Baka maniwala nga kayong iyan ang dahilan ng pagpunta ko sa Boracay. Pero pwede na rin hahaha. Kasi malaki na ang utang na loob ko dito sa blog na ito eh. Pinatawa na ako nito, pinaiyak sa tuwa. Napa-tumbling sa mga kalokohang komento ng ilang dumadaan dito. Maraming reason para mag-celebrate ako ng birthday ng blog na ito. Nakakatuwa ang blogging experience ko. I learn a lot about people from visiting blogs. I've come to realize na si Juan ay si Juan at si Pedro at si Pedro at si Pedro ay hindi pwedeng maging si Juan at si Juan ay hindi maging si Pedro. Malinaw ba? hahahaha. Tapos, nag-sign up ako sa b2p at kumita ng isang milyon! Kidding. Joke lang, ikaw naman, ang bilis mong maniwala hehehe.
Ang pinakamahalagang reason ay ang mga kaibigan na nakilala ko dahil dito.
(Pasok ang makabagbag-damdaming background music na parang sa "Lovingly Yours, Helen." Hmnp, sige na, sige na, papalitan ko na. Alam ko 'yung iba sa inyo "Maalaala Mo Kaya" o kaya'y "Magpakailanman" na ang gusto.)
Ang unang tao na nag-comment sa blog ko ay ang mabait na si dazeee. She commented on my post about my trip to Bohol. That was almost a year ago. Dalawa lang kaming nagpapalitan ng pagbisita sa mga blog namin noon. Tuwang-tuwa ako tuwing bumibisita sa blog niya kasi palagi akong nagugutom hahaha. Marami kasing pagkain sa blog niya. Hanggang ngayon, we still visit each other's blog. She sent me this from Europe. Dazeee inspired me to go on blogging and meeting other people through blogging because of her kind heart. Through dazeee, I met another mabait na blogger, si carey.
Then another blogger, missy, from Singapore, stumbled upon my blog and left a comment. After I answered her comment, I received a long email from her. Nagkwento siya about her life and her travel to other parts of the world, and asked for an address where she could send stuff plus another long mail. I replied through snail mail and sent her some simple stuff which she told me she was interested in. Sadly, after she sent me a package, I didn't hear from her since then. No more updates in her blog from then on. The last thing she told me was she was going on a trip to India and will be emailing me as soon as she get back to Singapore. She never did. I'm praying she got back to Singapore safe and sound, and hoping one day she will stop by my blog again.
May mga pailan-ilang bloghoppers na dumadalaw sa blog ko at nagkomento sa chat box. Tapos, pinupuntahan ko ang mga blog nila, curious lang ako kung sino ang napapadpad sa blog ko. Kasusunod ko sa mga links, napunta ako sa iba-ibang blog. Ang iba pa nga ay blog din ng waray na tulad ko, tulad ni diane at ni ate darlene. Tapos may mga nakilala rin akong mga Bisdak (Bisaya) blogger. Naligaw din ako sa blog ni ate kiwi at naaliw sa mga kwento ng buhay niya.
I also met Shakira, a blogger from South Africa. I appreciate very much her effort in making tags for me which I use in sending some emails. Yesterday, I received two envelopes full of goodies from her. So sweet. Thanks, Shakira.
Last Monday, I finally had a chance to meet Cecile, Ross and JC in the real world. Nakilala ko sila sa blog ni Inang. Dati, sa blog lang kami ni Inang nag-uusap-usap. Ngayon, sa phone na at sa email at sa messenger. Kasama rin sa mga unang nakilala ko sa blog ni Inang sina Chuva, Diwa at Kuta. Silang tatlo ay nasa bayan ni Uncle Sam. Our group is a mixture of characters. Masaya ang pagkakaibigan. May lalim. Seryoso (kahit na madalas puro kalokohan ang palitan namin ng komento). Kahit magkakalayo, kahit sa email at YM at phone lang, marami-rami na rin naman kaming pinagsamahan hindi lang sa saya at kalokohan. Please click here for some pics of our first EB. Sana masundan pa ito.
Masaya ang mag-blog. Masayang isipin na may mga tao sa ibang dako na nagtitiyagang basahin ang post ko, kahit na gaano pa ito kawalang katuturan minsan. At lalong masayang isipin na bumibisita kayo at binibigyan ako ng panahon kahit hindi ninyo ako personal na kakilala. Bukod sa mga nabanggit ko sa itaas, gusto kong magpasalamat kay abby, ate agring, cai, ate carlota, celena, chikai, diane, ate emie, gandhee, germs, ate lanie, lhadymitch, ate melanie, misyel, ate rebecca, tina, at ate viki. Salamat din sa iba pang mga bumisita at sa mga bibisita pa. I hope we all continue to learn more things through blogging and to enjoy each other's company in the blogosphere.
One year down. I wonder what year two will bring.