Good bye na ba talaga?
Good bye na ba sa iyo?
Yes, you.
Ikaw na minahal ko,
Inalagaan,
Dinamitan,
Binihisan
Sa loob ng isang taon.
Dati naman tayong masaya.
Magkasama.
Magkakampi.
Magkaramay
Sa bawat gulong ng buhay ko.
Gusto mo noon maging masaya ako,
Kahit simple lang ang buhay.
Dinalhan mo pa nga ako
Ng mga bagong kaibigan
Mababait na kaibigan
'Yun bang hindi ako hinuhusgahan.
Pero nagbago ka na.
Lately, parang ayaw mo na sa akin.
Pati mga friends ko nagtataka na rin.
Ayaw mo nang makinig sa kanila ngayon
Yung mga komento nila hanggang pintuan lang,
Hindi mo na pinatutuloy.
Ayaw mo na ba talaga sa akin?
Good bye na ba talaga
Pagkatapos ng isang taong affair ko sa iyo?
Yes, you, my i.ph blog.
Shall I say good bye to you?