Ipinaaabot ko ang pasasalamat sa inyong lahat…
…sa mga bumabalik dito para tumingin kung buhay pa ba ako o kung may bago na ba akong post
…sa mga dumadaan para mangumusta
…sa mga nag-email at nagtanong kung okay ba ako
…sa mga bagong bisita dito. pasensya na, dinatnan ninyong walang bagong laman itong bahay ko.
Kasalukuyan po akong nakalubog sa trabaho. Pero kaunting panahon na lang at makakaahon na ako. Kay paumanhin kung nawala ako. Sisikapin kong makapag-update simula ngayon. Sa mga nag-tag sa akin, salamat. Paumanhin hindi ko magagawa agad ang assignments ko sa inyo. Pero sisikapin kong magawa pagkatapos ng santambak na trabaho.
Maraming salamat.